Sinukokayanan
Sinusubukan para kayanin,
Pero minsan may konting alanganin.
Punto, ano nga bang ibig sabihin?
Sistema at proseso kailangang alamin.
Mahirap na madali,
Tiyaga lang kahit nagbabakasakali.
Minsan lang naman sa buhay ang ganto,
Lalo na pag may mga bagay na mas mabigat pa rito.
Kailangang intindihin,
Sakit sa ulo kung tutuusin.
Wala tayong magagawa,
Minsan nasasabi na bahala na si Bathala.
Pumipitas ng kaalaman,
Para may matutunan.
Minsan nagkakamali,
Kaya minsan nagiging mali-mali.
Tao lang naman na may hirap na dinadanasan,
Kahit minsan gusto ng sumuko dahil nahihirapan.
Tibay lang, maging bato kung kinailangan,
Kung bibigay man, siguraduhing may kakapitan.
Di naman natin alam kung pano tatakbo ang kinabukasan,
Basta handa ka lang, handang sumaya at handang masaktan.
Mabigat man, kakayanin yan.
Gawin mong kungkreto ang sarili para bang pundasyon ng isang simbahan.
Ganyan lang talaga ang buhay,
Magbibigay ng lahat lahat minsan pa nga buwis buhay.
Kaya yan! Walang atrasan, walang urungan,
Ibigay ang lahat para kahit bahagya e malampasan.
Tibay ng loob ang kailangan,
Sikap lang at tiwala mapadpad sa pinaroroonan.
- - - - - - - - - - -
©Sinukokayanan
- - - - - - - - - - -